NAGTALAGA ang Department of Energy (DOE) ng Special Technical at Financial Review Committee.
Ito ay para tulungan ang kagawaran na pag-aralan ang panukalang ibenta ang Service Contract 38 ng Shell o ang Malampaya Natural Gas to Power Project.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, magiging chairperson ng Financial Review Committee si Mr. Roberto Manabat kung saan ang miyembro nito ay sina J. Carlitos Cruz at Gabriel Singson habang consultant naman sina Atty. Ephyro Luis Amatong at Atty. Luis Ma. Uranza.
Habang si Rufino Bomasang ang magiging chair ng Technical Review Committee kung saan miyembro sina Francisco Delfin, Jr. at Froilan Tampinco habang consultant naman si Edgar Benedict Cutiongco.
Sinabi ni Lotilla na ang grupo ng advisors ay inaasahang tutulong sa ahensya sa pagtiyak na ang mga desisyon nito na may kaugnayan sa Malampaya Service Contract ay batay sa mahusay na pagsusuri.