Dog at cat bites usong-uso tuwing summer; Publiko pinag-iingat sa rabies na nakukuha mula sa mga ito

Dog at cat bites usong-uso tuwing summer; Publiko pinag-iingat sa rabies na nakukuha mula sa mga ito

PAALALA ng Department of Health (DOH), na tuwing summer, usong-uso ang dog bites at cat bites. Ang delikado, kapag nakagat ka ng aso o pusa na may taglay na rabies.

Ayon sa DOH Rizal Provincial Health Office, uso pa naman ang mga kagat ng aso’t pusa lalo’t tuwing summer.

Tulad kasi ng tao, nagiging iritable rin ang mga ito kapag mainit ang panahon.

“Summer season, mas marami tayong cases ng bites, its mainly because irritable ang mga tao at mas lumalabas so there is greater chance of exposure for dog bites,” ayon kay Dr. Voltaire S. Guadalupe, Rizal Provincial Health Office.

Ayon sa DOH, mahalagang mabakunahan ang ating mga alagang hayop para hindi sila maging carrier ng rabies. Prevention is better than cure ayon sa kanila lalo na’t pagdating sa rabies, wala pa itong lunas.

Ayon din sa DOH, hindi dapat hayaang palaboy-laboy o pakalat-kalat ang mga alaga nating hayop lalo na kung hindi natin tiyak kung sila ay nabakunahan na.

Maliban diyan, ito ay para maiwasan na makagat sila ng mga kapwa nila aso o pusa na may rabies.

 “So, kailangan kontrolado natin lahat ng ating mga alagang hayop. Binabakunahan natin lahat ng aso, pusa, at iba pang animals na maaring magkaroon ng rabies. Of course kailangang kontrolado din natin ang galaw ng ating mga alagang hayop. It’s already a law, meron tayong batas sa rabies na dapat ay pinababakunahan natin ang mga alaga, its either nakatali o ‘di ka nakakalabas ng bahay and if anyone is bitten or scratched by an animal na hindi natin sigurado na sila ay bakunado, kailangang magtungo sa animal bite center,” ani Guadalupe.

Ayon muli sa DOH, delikado kapag ang kumagat sa isang tao ay ang aso o pusa na hindi bakunado.

Maaari kasi itong pagmulan ng rabies na nakakamamatay kung hindi agad maaagapan at mahuhugasan ang sugat.

Ang rabies ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng laway ng hayop na may impeksiyon nito.

Kapag ang nakagat nito ay nakitaan na ng sintomas gaya ng pagkatakot nila sa liwanag, hindi makainom ng tubig kahit uhaw na uhaw at ang kanilang pagiging agresibo ay bilang na ang oras ng kanilang buhay.

“Ang course kasi ng rabies, kapag nakagat ka ng virus is in the wound. So, dapat agad-agad mahugasan ang sugat tapos magva-vaccinate agad para maagapan na hindi umabot ‘yong virus sa brain ng tao o animal na nakagat. Kapag kasi nakaabot na sa brain, doon pa lang lalabas ang symptoms ng rabies and irreversible na ‘yon. Hindi mo na makokontrol yon. So, nagbibilang ka na lang talaga ng oras o araw kasi wala pa talaga tayong cure para sa rabies,” saad ni Guadalupe.

“So, kailangan kontrolado natin lahat ng ating mga alagang hayop. Binabakunahan natin lahat ng aso, pusa, at iba pang animals na maaring magkaroon ng rabies. Of course, kailangang kontrolado din natin ang galaw ng ating mga alagang hayop. It’s already a law, meron tayong batas sa rabies na dapat ay pinababakunahan natin ang mga alaga, its either nakatali o ‘di ka nakakalabas ng bahay and if anyone is bitten or scratched by an animal na hindi natin sigurado na sila ay bakunado, kailangang magtungo sa animal bite center,” dagdag pa nito.

Ang sintomas ng rabies sa aso ay:

Nagiging mabangis o mabagsik ang mga ito;

Tumatakbo nang walang direksiyon;

Nangangagat ng kahit anong bagay;

Naglalaway ng labis at hindi makakain o makainom ng tubig.

 

Ang sintomas naman nito sa tao:

Sakit ng ulo at lagnat;

Pananakit o pamamanhid sa parteng kinagat; Nahihibang at nalulumpo;

Paninigas ng laman;

Takot sa tubig o hangin.

Kung nakagat ng isang aso na may rabies, ay dapat hugasan kaagad ng sabon at malinis na tubig ang sugat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble