DOH, itinanggi na iniendorso nila ang isang brand ng powdered milk

DOH, itinanggi na iniendorso nila ang isang brand ng powdered milk

NAGLABAS ang Department of Health (DOH) ng isang warning hinggil sa umano’y iniendorso nilang brand ng powdered milk na naglalaman ng “Colostrum”.

Ang Colostrum ay ang gatas ng ina matapos ang ilang araw ng panganganak at importante ito tungo sa maayos na paglaki ng bata.

Sa panig ng DOH, wala silang anumang brand na iniendorso at wala silang kaugnayan sa anumang organisasyon.

Sinabi ng DOH na ang kasalukuyang lumalaganap na post kaugnay rito ay maaaring magdulot ng public health risk.

Upang hindi maloko, hinikayat naman ng DOH ang publiko na huwag maniwala sa isang post kung hindi naman galing sa opisyal na social media accounts ng ahensiya.

Para sa nagpapakalat ng pekeng impormasyon, sinabi na rin ng DOH na maaaring mahaharap sa isang kaso ang pasimuno nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble