DOH, kinumpirma ang pag-monitor sa walong aktibong kaso ng Delta variant

DOH, kinumpirma ang pag-monitor sa walong aktibong kaso ng Delta variant

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na mayroon pa silang minomonitor na walong aktibong kaso ng COVID-19 Delta variant.

Mula ito sa 16 na Delta variant cases na una nang naiulat.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire na naitala ang walong aktibong kaso matapos lumabas na positibo sila sa RT-PCR test.

Ang naturang variant ay natukoy kung saan isa sa Manila, 4 sa Cagayan de Oro, isa sa Misamis Oriental at 2 mula sa returning overseas Filipinos.

Gayunpaman ani Vergeire, ang nasabing pasyente ay kasulukuyan nang isinailalim sa isolation .

Samantala nilinaw naman nito na ang walong kaso ay hindi pa maituturing na local transmission.

Pilipinas, posibleng mayroon ng local transmission ng COVID-19 Delta variant 

Posibleng mayroon nang local transmission ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Ito ang iginiit ni OCTA research fellow Guido David, dahil hindi real-time ang pagpapalabas ng mga resulta sa ginagawang genome sequencing sa bansa.

Ayon kay David, sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay dapat nang ituring na mayroon ng local transmission ng Delta variant na kumakalat sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, hindi na kailangan pang antayin ang resulta ng genome sequencing o sistema at pagsusuri upang malaman kung anong variant ng COVID-19 ang mayroon ang isang pasyente.

Sa ngayon, mayroon ng tatlumpu’t limang kaso ng Delta variant ang Pilipinas kung saan tatlumpu’t dalawa na dito ang gumaling habang nasawi naman ang tatlo.

 

SMNI NEWS