DOH, kinumpirmang .4% na lang ang kulang para makamit ang target na mabakunahan ang mga seniors sa NCR

DOH, kinumpirmang .4% na lang ang kulang para makamit ang target na mabakunahan ang mga seniors sa NCR

AMINADO ang Department of Health (DOH) na malaking tulong ang naibahagi ng ilang mga local government units (LGUs) sa idinaos na kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna at pagtuturok ng booster shots kontra COVID-19.

Sinabi ni Dr. Kezia Lorraine Rosario, ng DOH Metro Manila Center for Health Development na dahil dito ay umabot sa 90% na senior citizen sa NCR ang nabigyan na ng bakuna.

Habang ang mga nakapagpa-booster naman ay nasa 49.6% na.

Sa ngayon .4% na lang ang kulang para makamit ang target.

Nabatid na bukod sa mga LGUs ay nakibahagi at tumulong din sa proyekto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, bilang bahagi pa rin ng PinasLakas Campaign ay nagtayo ang DOH ng vaccination site sa DSWD-NCR office para sa mga empleyado nito, pamilya at mga kliyente na nagtutungo sa nasabing tanggapan.

Follow SMNI NEWS in Twitter