DOH, nagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa Brigada Eskwela

DOH, nagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa Brigada Eskwela

PINANGUNAHAN ni Secretary Ted Herbosa ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa Brigada Eskwela Kick-Off sa Bacacay East Central School bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Opisyal na nag-umpisa ang limang araw na Brigada Eskwela Program simula ngayong araw, Hunyo a-nuwebe hanggang Hunyo a-trese.

Layunin ng DOH na masiguro ang kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang school personnel bago pumasok sa paaralan. Ang mga serbisyong ito ay bahagi ng inisyatiba ng DOH para maging ligtas at malusog ang mga paaralan sa buong bansa.

Bilang bahagi ng programa, tumanggap ng Bawat Bata Malusog packages ang walumpu’t tatlo (83) na natatanging paaralan na kinilala bilang Kampeon ng Kalusugan sa buong bansa. Naglalaman ang bawat package ng mahahalagang kagamitan tulad ng blood pressure monitor, timbangan, first aid kits, at iba pang gamit para sa school clinics.

Para sa mga Last Mile Schools naman, may mga teacher’s self-care kits at exercise and sports kits na ipinamamahagi para suportahan ang kalusugan ng mga guro at estudyante. Kasama rin dito ang karagdagang disaster readiness kits bilang paghahanda sa anumang sakuna.

Nakikipagtulungan ang DOH sa Department of Education para matiyak ang kahandaan ng bawat paaralan, guro, at estudyante sa pagharap sa bagong taon ng pag-aaral na may kalusugan at sigla.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble