NAKAPAGTALA nang 1,146 na kaso ng COVID-19 ang bansa.
Ayon sa latest report ng Department of Health (DOH), naitala ito mula Oktubre 16-22.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 164.
Ayon sa DOH, ang naitalang mga bagong kaso mas mababa ng 8% kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 9-15.
Sa mga bagong kaso, 22 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang 9 na pumanaw noong Oktubre 9-22.