DOH, nakapagtala ng panibagong kaso ng amputation dahil sa paputok

DOH, nakapagtala ng panibagong kaso ng amputation dahil sa paputok

NAKAPAGTALA ng dalawang panibagong kaso ng amputation ang Department of Health (DOH) na may kinalaman sa paputok.

Ayon sa DOH, ang dalawang biktima ay mga binatilyo na nagsindi ng plapla kaya’t naputulan sila ng mga daliri.

Ang dalawang kaso ng amputation ay kasama sa 23 bagong kaso ng fireworks related injuries na naitala ng mula 6:00 am ng Disyembre 26 hanggang 5:59 am ng Disyembre 27.

Samantala, binawi ng DOH ang isang insidente ng naputulan kamakalawa kaya’t mula sa naunang lima ay apat ang tamang bilang ng nabawasan ang daliri o kamay base sa datos kahapon.

Sa impormasyon ng DOH, bukod sa isang nasa wastong gulang, limang menor de edad ang na-amputate dahil sa paputok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble