DOH, pinabulaanan na ibabalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa Metro Manila

DOH, pinabulaanan na ibabalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa Metro Manila

PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) na muli nitong ipatutupad ang mandatoryong paggamit ng anti-COVID mask kasunod ng bahagyang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.

Ayon sa DOH, peke ang viral na post sa social media kung saan sinasabing muli nang ipatutupad ang patakaran sa pagsusuot ng face mask.

Nilinaw rin ng ahensiya na nananatili ang Metro Manila sa Alert Level 1 na siyang pinakamaluwag at mababang COVID-19 alert system ng pamahalaan hanggang katapusan ng Abril.

Inabisuhan naman ng DOH ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong nakikita sa social media partikular na sa estado ng COVID-19 at huwag agad maniwala hangga’t hindi ito nanggaling sa mapagkakatiwalaang platform gaya ng national government agencies, institutions at kilalang news outlets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter