TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nanatiling mababa ang utilization rate sa mga ospital sa kabila ng konting pagtaaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, 32 percent na mas mataas ang average daily case ng COVID-19 ngayong linggo.
Sa kabila nito ayon sa DOH, 13.7 percent lamang mula sa 2,010 ICU beds ang okupado dahil sa COVID-19.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocol at magpabakuna kontra COVID-19 para mapigilan ang pagtaas pa ng mga kaso.