TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nakahanda sila sa anumang epektong dala ng El Niño.
Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, nakipag-ugnayan na sila sa mga government agency para walang healthcare services na maantala.
Sa katunayan, binigyang pansin na ng DOH ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DOE) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa healthcare facilities na may problema sa tubig at kuryente.
Kasabay nito ay ipinaalala ni Herbosa na maging maingat ang publiko sa anumang heat-related illnesses ngayong may El Niño.