DOJ, kumpiyansang malulutas ang malaking gap sa pulisya at prosecutors

DOJ, kumpiyansang malulutas ang malaking gap sa pulisya at prosecutors

NANINIWALA ang Department of Justice (DOJ) na malulutas na ang malaking gap sa pagitan ng pulisya at prosecutors.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ito ay dahil sa inilabas niyang Department Order #20 na magsisilbing tulay at magpapalakas sa pundasyon ng sistema ng hustisya sa bansa.

Ito ay isang rebolusyonaryong inisyatiba na mag-uugnay sa mga piskal at mga law enforcement agencies, magsisilbing pag-asa para sa patas, episyente, patas na imbestigasyon at matatag na case build up.

Si Remulla ay dumalo sa DOJ – PNP Training Program for Law Enforcement Officers kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon at pagbabahagi ng mga impormasyon na nakasaad sa Department Order 20.

Samantala, si Secretary Remulla ay naghain ng 10 araw na wellness leave na nagsimula kahapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter