Pagtatayo ng One Repatriation Command Center para sa OFWs, tututukan ng DMW

Pagtatayo ng One Repatriation Command Center para sa OFWs, tututukan ng DMW

TUTUTUKAN ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpatatayo ng One Repatriation Command Center para sa pag- agapay sa overseas Filipino workers (OFWs) na nabibikima ng karahasan.

Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, bukod sa tulong ng bagong command center ay magbibigay rin sila ng medical assistance, repatriation, at shipment of remains para sa ating mga kababayang OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Aniya pagtutuunan din nila ng pansin sa kanilang tanggapan ang kinakailangang assistance ng ating mga OFW kabilang na ang legal assistance.

Samantala, patuloy pa rin ang transition period ng Department of Foreign Affairs (DFA) at DMW para sa palilipat ng assistance sa national sa darating na Hulyo 1.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter