INAMIN ni Justice Secretary Crispin Remulla na may anggulo ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war sa Pilipinas na pinag-aaralan pa nila kung paano tutugunan.
May kinalaman ito aniya sa maaaring pagpasok ng International Police (Interpol) sa isyu ng drug war at kung ipapaaresto ang mga isinasangkot dito.
Ipinaliwanag ng DOJ na bagamat hindi sakop ng ICC ang Pilipinas, kabahagi naman ang bansa ng Interpol.
Magkakaroon aniya ng problema ang Pilipinas kung pipigilan nito ang pagtupad ng Interpol sa legal nilang obligasyon.
Nilinaw naman ni Remulla na pinag-aaralan pa nila ang isyu at kung ano na ang gagawin ng bansa kapag dumating ang naturang sitwasyon.