TUMANGGI munang magkomento si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla hinggil sa pagkakaabswelto ng kaniyang anak na si Juanito Jose Remulla III sa kasong illegal drug possession.
Ayon kay Sec. Remulla, babasahin niya muna ang desisyon at ang memoranda na isinumite sa korte bago maglabas ng pahayag.
Tumanggi ring magkomento ang kalihim sa akusasyon na naimpluwensyahan nito ang maagang desisyon ng korte sa kaso ng anak.
Nitong umaga nang lumabas ang hatol ng Las Piñas RTC, kung saan inabswelto nito ang batang Remulla sa kaso dahil umano sa walang malinaw na ebidensya ang prosekusyon na malaya, may kamalayan at buong kaalaman ito sa parcel na inihatid sa kaniya.
Matatandaan na nagkakahalaga ng 1.25-M ang halaga ng high-grade marijuana na tinanggap umano ng batang Remulla na naging dahilan para arestuhin ito noong Oktubre 2022.