MAITUTURING na isang propaganda para kay Pastor Apollo C Quiboloy, ang pagbasura ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 sa petition ng Department of Justice noong Pebrero taong 2018 na ideklara ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang grupo.
Sa 135 pahina na inilabas noong ika-50 Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law, sinabi ni Judge Marlo Magdoza-Malagar na hindi terorista ang CPP-NPA.
Bagay naman na nag-udyok sa butihing Pastor na bansagang propagandista ang nasabing judge dahil na rin sa mga naging pamantayan nito sa pagbasura sa kaso.
“Ito’y propaganda na inilabas kahapon during ng 50 years ng Martial Law. Kaya propagandist itong Judge na ito ng CPP-NPA. Propagandista ito nila. Kahit ano pang gawin mong judgment na ganyan, mamamalakpak na lang kayo sa tabi-tabi pero mayroon ng Anti-Terror Law, may ngipin na ang Anti-Terror Law. Your Human Security Act of 2007, walang ngipin ‘yun. Doon sila nag-base for proscription pero dapat sinabi rin niya na mayroon ring Anti-Terror Law na kayo ay dineclare na na mga terrorist group. Hindi niya ginawa ‘yun eh para lang mapasaya niya ang mga ahas ng Pilipinas, ginawa niya pero moot and academic na rin kasi mayroon ng Anti-Terror Law,” pahayag ni Pastor Apollo.
Batay na rin sa inilabas na desisyon ni Judge Malagar kung saan, bagama’t isinalaysay nito ang kasaysayan ng karahasan ng CPP-NPA sa bansa, ang mga inihaing insidente ng kalupitan ng CPP-NPA ay hindi pasok sa depinisyon ng terorismo sa ilalim ng batas at maaari aniyang ituring na lang ito bilang common crimes sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ngunit hindi pinalampas ni Pastor Apollo ang ganitong paghahatol dahil hindi common crime ang mga nangyaring masaker na gawa ng mga komunistang teroristang grupo kagaya na lamang ng Rano massacre at marami pang iba.
Binanatan din ni Pastor Apollo ang naging pananaw ni Judge Marlo Malagar kaugnay sa red-tagging:
“Kaya takot sila sa red-tagging. Anuman ang ibig sabihin ng red-tagging? Pagka sinabi mong sila’y komunista, sinabi mong sila’y member ng CPP, sinabi mong sila ay member ng NPA, kaagad-agad red-tagging. Red-tagging daw. Anong ibig sabihin ng red-tagging na cover nila? Ang ibig sabihin, hindi ako komunista, hindi ako kasama nila. Bakit hindi niyo sabihin dire-diretso? Bakit takot kayo? Kung komunista kayo, bakit hindi kayo magpakilala na komunista kayo? Kung kayo ay kasabwat ng NPA, bakit ‘di kayo magpakilala na kayo’y kasabwat ng NPA? Ano pala ang itatawag namin sa inyo? Tulad ng sinabi kong allegory, ahas kayo tapos magpapatawag kayong manok? Mga walang modo kayo. Mga wala kayong pinag-aralan. Komunista pero ayaw magpatawag na komunista dahil takot sa Anti-Terror Law. You are abetting crime with the NPA, kasama kayo. Kasama kayo diyan pagkatapos pagka sinabi mong ganoon, red-tagging, para lang may cover sila, parang tao malinlang na naman na ‘wag mo ng tawaging ganoon kasi galing din sa kanila ‘yung word na red-tagging. Sabi nga ni Cong. Marcoleta, wala sa diksyonaryo ‘yan. May red wine, may red tide, may red dragon, may red panda, pero walang red-tagging. Cover nila ‘yan. Sila rin ang gumawa niyan. Komunista kayo pero ayaw magpatawag na komunista. ‘Pag tinawag mong kasama sila ni Joma Sison, ‘red-tagging’,” ayon pa sa butihing Pastor.
Samantala, matatandaang agad na sinisante ni Pastor Apollo sa kanyang live Spotlight program nitong Huwebes si Judge Malagar na nagtuturo din sa kanyang pinatatakbong law school.
At nitong Biyernes, muling binigyang-diin ng butihing Pastor na hindi tanggap ang mga makakaliwang abogado sa kanyang paaralan kundi ang mga matutuwid lang.
“Hindi ko alam itong judge na ito ay nagtuturo pala ito sa JMC isang taon na. Kung alam ko noon pa. Kayong mga NUPL, na mga leftist… huwag kayong mag-apply sa law school. Kapag kayo nalaman kong….ito’y para sa matuwid lang na abogado,” ayon kay Pastor Apollo.
Pinaalalahanan naman ni Pastor Apollo ang bigat ng trabaho ng isang husgado lalo na ang mga umiiyak ng hustisya.
“Isa kang judge na inaasahan na magpapatayo ng hustisya para maibsan ang mga pagdadalamhati ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa salot ng mga NPA na yan. Ano kang klaseng judge?” ayon sa butihing Pastor.
“Hindi ka natatakot sa hustisya sayo? Alam mo judge….karma ang darating sa buhay mo. Yang umiiyak na yan, isang nanay lang yan….injustice din ang aanihin mo,” ani Pastor Apollo.
“Habang may umiiyak na tao sapagkat sila’y hindi binigyan ng hustisya ng tamang mga taong dapat magbigay ng hustisya sa lupa, ang hustisya ng Dakilang Ama ay mas makapangyarihan,” dagdag ng butihing Pastor.
Sa kabilang banda, may pahayag naman ang butihing Pastor sakaling takot ang dahilan kung bakit nagawang ibasura ni Judge Malagar ang kaso laban sa mga komunistang teroristang grupo.
“Huwag kang matakot kung judge ka…upang ang ating bayan ay magkaroon ng hustisya,” aniya pa.