PLANO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkaroon ng hindi bababa sa tatlong milyong trabaho para sa mga skilled at technical workers.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang job creation program ay nakapaloob sa Philippine Labor and Employment Plan (LEP) 2023-2028.
Na naglalayong tugunan ang parehong problema sa kawalan ng trabaho at underemployment sa bansa.
Dagdag pa nito, sa ilalim ng LEP ay magkakaroon ng pagsusuri upang tugunan ang mga benepisyo at ang kabayaran ng mga manggagawa.
Samantala sinabi rin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na may ilang malalaking proyektong nakatakda hanggang 2028 at ito ay inaasahang magbubunga ng mas maraming trabaho.