DOLE, naglaan ng P50-M para sa manggagawang apektado ng Mayon

DOLE, naglaan ng P50-M para sa manggagawang apektado ng Mayon

MAGLALAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P50-M para matulungan ang mga manggagawang nawalan ng tirahan dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon sa pitong bayan at lungsod sa Albay.

Ang P50-M emergency employment assistance ay ipatutupad sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ang TUPAD emergency employment assistance ay pamamahalaan ng DOLE Regional Office sa Bicol.

Samantala, sisimulan ng ahensiya ang profiling ng mga benepisyaryo sa Biyernes sa lahat ng evacuation sites sa Albay.

Kasama rin sa programa ang mga evacuees na nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter