DRUG-cleared na ang nasa 3,656 sa kabuuang 4,051 na barangay o 90% sa Western Visayas ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa ulat ng PDEA-Western Visayas, nasa kabuuang 2,337 barangay ang drug cleared, nasa 1,319 barangays ang drug-free at nasa 395 naman na barangay ang hindi pa na-clear.
100% drug cleared na ang mga barangay ng Guimaras at Aklan habang mayroon itong pinakamaliit na drug cleared barangay na 14 mula sa bilang na 61.
Nasa 1,696 drug-cleared barangay naman ang Iloilo habang 94 ang drug-free sa Iloilo City, sinundan ng 588 drug-cleared barangay sa Antique, 431 ng Capiz at sa Negros Occidental na mayroong 408 drug cleared at drug-free barangay mula sa 601 na kabuuang bilang.
Wala rin anilang lihim na laboratoryo at mga bodega ng kemikal ang naiulat o nabuwag sa mga nasabing lugar.
Samantala, nakabantay pa rin ang ahensiya sa mga pantalan at mga terminal gaya ng seaports at airports sa pakikipagtulungan ng law enforcement agencies, pagdagdag ng mga K9 Narcotics Detection Units at X-ray machines para mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa lugar.