DOLE, nagpaalala sa kanilang job fairs sa buong Pilipinas ngayong araw

DOLE, nagpaalala sa kanilang job fairs sa buong Pilipinas ngayong araw

INILABAS na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng kanilang magiging job fairs venue ngayong araw, Hunyo 12, 2023 Araw ng Kalayaan.

Sa kanilang official Facebook page, 12 venues ang nakalaan para sa naghahanap ng trabaho mula sa National Capital Region (NCR).

Gaganapin ito sa SM City Grand Central Caloocan; Rizal Gymnasium, Pasig; SM City Marikina; SM Megamall Mandaluyong; Parañaque City Hall Gymnasium; Vista Mall Taguig; SM Southmall At Robinsons Las Piñas.

Kasama rin sa venues ang SM City North Edsa, SM City Novaliches, SM City Fairview, at SM City Sta. Mesa sa Quezon City.

Maliban sa NCR, may job fairs venues rin sa CAR, Region 1, Region 2, Region 3, CALABARZON at MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12 at CARAGA.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng DOLE.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter