NAKATANGGAP si Country Music Star and Philanthropist Dolly Parton ng $100 million prize mula sa Bezos Courage & Civility Award.
Ang Bezos Courage & Civility Award ay pinamunuan ni Amazon.com AMZN.O founder, billionaire Jeff Bezos kung saan kumikilala at nagbibigay karangalan sa mga taong nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan.
Ayon kay Bezos, si Dolly ay nararapat sa nasabing parangal sapagkat isa siyang babae na namumuno nang may pagmamahal at habag sa bawat aspeto.
Kaya naman laking pasasalamat ni Parton sa nasabing parangal at nangakong gagawin ang nararapat sa cash prize.
Si Parton, ay kilala sa pagtatag ng ilang charities kabilang na dito ang Dollywood Foundation kung saan nakatutok sa edukasyon pati na rin sa poverty relief.