DUMAGSA ang napakaraming volunteers na nais maghandog ng libreng dugo bilang bahagi ng taun-taong selebrasyon ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. para sa kaniyang ika-57 taong kaarawan.
Tinawag na ‘Dugong Alay, Pandugtong Buhay’ ang bloodletting program na ginanap sa Strike Gymnasium sa Bacoor Government Center kung saan pinangunahan mismo ni Sen. Bong ang pagdo-donate ng dugo.
Ang naturang programa na sinimulan noon pang 2007 ay malaking tulong hindi lamang para sa mga Caviteños kung hindi sa maraming Pilipino na nangangailangan ng dugo sa panahon ng kagipitan, lalo pa sa panahon na mahirap maghanap ng dugo.
Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ay mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN) at marami pang iba.