NAPILI ang Muntinlupa National High School bilang isa sa tatlong finalists na sasali sa World’s Best School Prizes para sa environmental action.
Ito’y dahil sa kanilang Algae Microfarm Project na naglalayong mapaunlad ang oxygen level, mabawasan ang carbon dioxide at mag-absorb ng air impurities sa closed spaces.
Pinuri naman ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Muntinlupa City government ang nabanggit na paaralan dahil dito.
Ang ibang mga paaralan kasama ng Muntinlupa National High School ay ang Institucion Educativa Municipal Montessori Sede San Francisco ng Colombia at ang Al Mamoura Academy ng United Arab Emirates.