DOTr sa publiko: Tangkilikin ang alternatibong transportasyon

DOTr sa publiko: Tangkilikin ang alternatibong transportasyon

HINIHIKAYAT ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat na piliin ang alternatibong paraan ng transportasyon para sa mas malusog na pamumuhay.

Sa isinagawang groundbreaking ceremony sa Intramuros Manila, sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista na makakatulong ang nasabing proyekto sa pagbubukas ng kamalayan patungkol sa kasaysayan at healthy lifestyle sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta.

Ito ay kasunod ng paglalagay ng ahensiya ng mga bicycle lanes at walkway sa makasaysayang Intramuros sa Maynila.

Sa ngayon, sisimulan na ng ahensiya ang planong paglalagay ng 9.6 kilometrong accessible walkways, bike lanes at rampa para sa mga person with disabilities.

Follow SMNI NEWS in Twitter