DPWH, nagtakda ng standard design ng solar-powered lights na ilalagay sa nat’l roads

DPWH, nagtakda ng standard design ng solar-powered lights na ilalagay sa nat’l roads

NAGLABAS ng bagong guidelines ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagtatakda ng standard designs para sa mga solar-powered roadway lighting na ilalagay sa mga national road.

Sa Department Order (DO) No. 19, series of 2023 na inilabas ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, nag-isyu ang ahensya ng standard design drawings kasunod ng pag-apruba sa paggamit ng solar-powered street lights sa mga public works project.

Ayon kay Bonoan, sa mga susunod na proyekto ng DPWH na mayroong street light components ay target nilang gumamit ng solar-powered roadway lightings dahil mas matibay ito, mas mabilis ang installation, mas ligtas at mas matipid.

Kabilang sa technical requirements ng DO ay dapat ang street lights ay pare-pareho at walang dark bands o abrupt variations; dapat ay may high pressure sodium (HPS) o light emitting diode (LED) lighting ito; ang color temperature ay dapat warm white o warm yellow at bawal ang paggamit ng ultraviolet light; dapat pwede sa outdoor use at rated bilang ingress protection (IP) 65 per International Electrotechnical Commission (IEC).

Para sa primary national roads, ang light arrangement ay dapat single, axial, opposite, o staggered; sa secondary roads naman ay maaring gumamit ng single, opposite, o staggered lighting arrangement; habang sa tertiary roads ay maari ang single o staggered lighting arrangement.

Nagtakda rin ng lamp wattage, mounting height, spacing, paggamit ng pole arms, depende sa klasipikasyon ng kalsada, lapad, bilang ng mga lane, at iba pang requirements sa ilalim ng inilabas na DO.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter