Drag artist Pura Luka Vega, muling inaresto ng mga Pulis Maynila

Drag artist Pura Luka Vega, muling inaresto ng mga Pulis Maynila

SA kulungan pa rin ang bagsak ng drag artist na si Pura Luka Vega matapos siyang muling damputin at arestuhin ng mga Pulis Maynila sa kahabaan ng Rizal Avenue Cor. San Lazaro, Sta. Cruz Manila, Huwebes ng hapon.

Matatandaang una siyang inaresto noong Oktubre ng nakaraang taon matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Manila RTC.

Ang pagkakaso sa kaniya ay dahil sa kaniya umanong panggagaya at paglapastangan sa imahe ni Jesus Christ at sa kaniyang bersiyon ng Ama Namin.

Pero ito ay nakapagpiyansa kaya pansamantalang nakalaya.

Ang panibagong pag-aresto sa drag artist ay ginawa ng MPD Station 3 matapos magpalabas naman ang QC RTC Branch 306 ng warrant of arrest para sa kasong 3 counts ng immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows of the Revised Penal Code Article 201.

“Maayos naman siyang sumama alam naman niyang may kinahaharap siyang kaso,” saad ni PMaj. Billy Ray Canagan, MPD Station 3.

Ituturn over ng MPD si Pura Luka Vega sa QC.

Ang drag artist, sa kabila ng lahat ay nakangiti pa rin nang makaharap ito ng media pero ang abogado nito ang sumagot sa mga tanong.

May rekomendasyong piyansa para kay Pura Luka Vega na nagkakahalaga ng 360,000 pesos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble