SUMUKO na sa Balayan Batangas Municipal Police Station ang umano’y driver ng pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Si Jeffrey Ariola Magpantay ay nagtungo sa estasyon ng pulisya kaninang 11:59 ng umaga kasama ang kaniyang live in partner.
Si Magpantay ay ang sinasabing driver ni PMaj. Allan de Castro na siyang itinuturong suspek sa pagkawala ni Camilon.
Nahaharap si De Castro at Magpantay sa kasong kidnapping at serious illegal detenton.
Si Magpantay ay isasailalim sa preventive custody ng mga pulis.
Matatandaang, si Camilon ay huling nakita noong Oktubre 12, 2023 sa mall sa Lemery Batangas bago ito mawala.