DRRM Capacity Enhancement Project Phase 2, tinalakay ng OCD at JICA

DRRM Capacity Enhancement Project Phase 2, tinalakay ng OCD at JICA

TINALAKAY ng Office of Civil Defense (OCD) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management Capacity Enhancement Project Phase II (DRRMCEP2).

Ang pulong ay pinangunahan nina OCD Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer at JICA Headquarters Technical Advisor on DRRM Dr. Takeya Kimio na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Layunin ng mga opisyal na matalakay ang mga development at strategic actions sa DRRMCEP2.

Ang DRRMCEP2 ay isang partnership project sa ilalim ng OCD at JICA.

Nakatutok ito sa pagbuo ng mga plano,  pagpapatupad ng mga hakbang, at monitoring system sa Regional at Local DRRM Councils upang mabawasan ang pinsala sa buhay at ekonomiya tuwing may kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter