MAKIHALOK at gamitin ang karapatang bumoto sa midterm elections ngayong Mayo.
Ito ang panghihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pahayag ng National Program Manager ng 4Ps, isinama na nila ang voter’s education sa Family Development Sessions na kanilang ginagawa.
Pinapaunawa rito kung ano ang kahalagahan ng eleksiyon, bakit kailangang bumoto, ano ang mga karapatan nila bilang mga botante, at kung paano pumili ng kanilang ihahalal sa puwesto.
Samantala, binalaan din ang 4Ps beneficiaries na mag-ingat sa lumalaganap na fake news ngayong eleksiyon.