UMAPELA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging maingat sa mga organisasyong walang lisensiya ngunit nanghihingi ng donasyon.
Kasama na rito ang mga nagsasagawa ng charity events.
Ang paalala ay kasunod sa kanilang isinampang kaso laban sa SimplyShare Foundation Inc. sa Cebu na nag-ooperate kahit walang permit.
Para makatiyak, sinabi ng DSWD na maaaring silipin sa kanilang DSWD Kaagapay Donations Portal kung accredited ba ang isang organisasyon.
Samantala, hinikayat din ang publiko na i-report ang mga grupong nagsasagawa ng solicitation o charity activities nang walang kaukulang permit.
Follow SMNI News on Rumble