PINAIGTING pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtutok sa kanilang mga hakbang upang mapigilan ang mga posibleng cyberattack.
Patunay rito ang mga isinagawang workshop sa iba’t ibang lugar sa bansa sa pakikipagtulungan sa Office of the Chief Information Officer (OCIO) at Information and Communications Technology Management Service (ICTMS) ng DSWD.
Layon ng ahensiya na mas maprotektahan pa ang mga hawak nitong sensitibong impormasyon at mga datos.
Makatitiyak din ang DSWD na walang magiging aberya sa paghahatid nito ng social protection services sa mga nangangailangan.
Una na ring tiniyak ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na prayoridad ang ligtas at hindi malalagay sa alanganin ang mga datos at digital infrastructure ng ahensiya.