TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na wala nang masasayang na food packs na nakalaan para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Ito’y para maiwasan na ang mga napaulat na expired o hindi kaya’y nasira dahil sa mga peste ang nakaimbak na mga food item.
Ayon kay DSWD Usec. Edu Punay, maingat na sila sa kanilang pamamahala sa relief packages lalong-lalo na ang mga nasa kanilang warehouses.
Sinusuri na rin nila ang expiration dates nito para hindi masayang.