HANDS-on si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing may kalamidad.
Sa katunayan hinggil sa Bagyong Paeng, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Edu Punay sa panayam ng SMNI News, noong nakaraang linggo pa ay abala na si Pangulong Marcos sa pagbibigay-utos sa disaster-related agencies ng Pilipinas para sa dapat gawing hakbang at paghahanda.
Bilang sagot ito ng ahensya tungkol sa mga ulat na kinukwestiyon ng ilang mga kritiko kung saan si Pangulong Marcos tuwing may kalamidad.
Ipinaliwanag ni Punay na hindi lang agad-agad pumupunta si Pangulong Marcos sa mga apektadong lugar upang makatutok ang mga ito sa search, rescue and relief operations at hindi sa pagbibigay ng VIP treatment sa kanya.
Samantala, ikinatuwa ng DSWD ang tulong na ipinapaabot din ng ibang organisasyon sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad gaya ng ginagawa ng SMNI.