DTI, hinimok ang mga consumer na bumili na ng mga Noche Buena items

DTI, hinimok ang mga consumer na bumili na ng mga Noche Buena items

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamimili na bumili na nang mas maaga ng mga Noche Buena items gayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo ng Consumer Protection Group, mas makakamura ang mga ito lalo’t hindi pa tumataas ang presyo nito.

Hinikayat din ng opisyal na bilhin yung mga naka-bundle na Noche Buena items dahil mas makakamura ng P20 hanggang P70.

Saad pa nito, habang papalapit ang Pasko ay posibleng magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng mga Noche Buena items.

Ang pahayag na ito ni Usec. Ruth ay kasabay ng ginawang inspeksyon sa ilang grocery store sa Malabon City.

Follow SMNI NEWS in Twitter