LALO pang paiigtingin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbibigay suporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa susunod na taon.
Ito ang siniguro ng DTI matapos makalusot sa plenary deliberations ang kanilang P22.19-B proposed budget sa 2023.
Bukod diyan, sinabi ni Pangasinan Rep. Toff de Venecia na siyang budget sponsor ng DTI sa plenaryo na tututukan din ng ahensya ang mga sumusunod:
- Exports and Investments Development Program
- Industry Development Program
- Consumer Protection Program
- Consumer Education and Advocacy Program
Layon din ng DTI na pataasin ang exports ng bansa at paigtingin pa ang ugnayan sa Go Negosyo Program para sa Consumer and Advocacy Training Programs.
Tiniyak din ng DTI na magpapatuloy ang job generation para mabawasan ang poverty rate sa bansa, mga bagay na prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.