Dubai Airport, nagbukas ng kauna-unahang co-working space para sa mga biyahero

Dubai Airport, nagbukas ng kauna-unahang co-working space para sa mga biyahero

NAGBUKAS ang Dubai Airport ng kauna-unahang co-working space para sa mga manlalakbay.

Ang kauna-unahang co-working space sa Dubai Airport ay tinatawag na ‘Their Patio’ ay nagbukas kahapon sa terminal 3 malapit sa gate 3 ng arrivals section.

Ayon kay Mei Mei Song, Global Brand Director ng Plaza Premium Group na nagtayo ng lounge, sa tulong ng bagong lugar na ito sa airport ay hindi na kinakailangan pang mag-abala ng mga pasahero na maghanap ng kung-ano ano pa para makapag-transact ng negosyo habang nagbibiyahe.

Ito ay dahil ang lounge ay kumpleto ng pasilidad na idinesenyo para gumawa magkaroon ng working environment para sa business travellers.

Mayroon itong meeting rooms, private call rooms at maging shared offices kung saan maaaring mag-process ng ilang serbisyo.

Ang lounge na ito ay kayang mag-host ng tatlundaan at siyamnaput walong biyahero bawat araw.

Ang mga indibidwal naman na nais gumamit sa lounge ay kinakailangang magbayad ng isandaan at tatlumpung dirhams sa loob ng dalawang oras at isandaan at apatnapu’t limang dirhams sa tatlong oras.

Ang mga Esaad card holders naman at mayroong smart travellers membership ay maaaring mag-avail ng 20 percent discount rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter