Dubai police, namahagi ng Dh1-M para sa one billion meals campaign

Dubai police, namahagi ng Dh1-M para sa one billion meals campaign

NAKIISA ang security forces sa Dubai sa pinakamalaking humanitarian drive sa rehiyon sa pamamagitan ng pagdo-donate ng isang milyong dirhams para sa kampanya ng UAE na one billion meals campaign.

Ang isang milyong dirhams na halaga ng donasyon ng Dubai police ay mahalagang karagdagan din sa iba pang donasyon na ibinigay ng libu-libong benefactors.

Ang ibang ahensya sa UAE na nagbigay ng mahalagang kontribusyon ay multinational professional services company na KPMG na nag-donate ng isang milyong dirhams.

Ang pinakamalaking industrial company naman na Emirates Global Aluminium at Abu Dhabi National Oil Company ay nag-donate din ng tatlong milyong dirhams bawat isa.

Ang kampanyang ito ay nagsimula sa 100 meals campaign noong Ramadan season taong 2021 kung saan ang global initiative ay lumawak naman sa one billion meals campaign sa loob ng isang taon.

Layon ng kampanyang ito na magpakain ng underprivileged at undernourished na mga komunidad sa 50 bansa.

Matatandaan na ang kampanyang ito ay inorganisa ni Dubai-based Mohamed Bin Rashid Al Maktoum ng Global Initiatives.

Patuloy na bumubuhos ang donasyon sa one billion meals drive na ito.

Samantala, ang global campaign ay nakatanggap naman ng 7 milyong dirhams bilang karagdagang donasyon na sapat upang magpakain ng pito pang milyong beneficiaries.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter