Duterte-Duterte para sa Pilipinas, suportado ng dating opisyal ng Malakanyang

Duterte-Duterte para sa Pilipinas, suportado ng dating opisyal ng Malakanyang

DISMAYADO si Dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa kasalukuyang administrasyon partikular na kay Pangulong Bongbong Marcos. Jr.

Para sa abogado, wala siyang nakikitang ibang tao o politiko na karapat-dapat sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa kundi ang mag-amang Vice President Sara Duterte at si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Bilib na bilib ang dating gabinete ng noo’y Duterte Administration dahil kitang-kita nito kung papaano aniya magtrabaho ang mga Duterte.

Bukod sa paglaban sa kriminalidad, malaking ginhawa rin ang noo’y Duterte Administration sa usapin ng transportasyon at imprastruktura.

Samantala, sa kaniyang muling pagdalo sa ika-pitong araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, muling nagpahayag si Atty. Sal ng kaniyang suporta para sa butihing Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at sa SMNI dahil sa pinagdaraanan nitong panggigipit ng kasalukuyang gobyerno.

Dahil dito, hinimok nito ang publiko na makiisa sa panawagan hindi lang ng supporters ni Pastor Apollo at ng SMNI kundi ng bawat Pilipinong patuloy na inaapi, at niloloko ng mga pangakong tuluyan nang napako.

Opisyal na nagtapos ang programa sa makasaysayang pagbisita at pagsasama-sama nina Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kasalukuyang mga senador na sina Robinhood Padilla, Bong Go, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, at iba pang malalapit na kaibigan ng butihing Pastor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble