Duterte, mag i-endorso ng politikong magpapatuloy ng kanyang nasimulang programa

Duterte, mag i-endorso ng politikong magpapatuloy ng kanyang nasimulang programa

MULING iginiit ng Partido Demokratiko-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na mag-eendorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ng politiko na tiyak na magpapatuloy sa mga nasimulang mga proyekto o programa sa ilalim ng Duterte Administration.

Ito ang inihayag ni PDP-Laban President Alfonso Cusi kasunod ng pag-endorso ni Pangulong Duterte kay JV Ejercito sa pagka-senador.

Inihayag din ni Cusi na dapat katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na maging presidente lalo na at patuloy na humaharap ang bansa sa banta ng pandemya.

Binigyang diin din ni Cusi na dapat issue-based at hindi personality-based ang batayan ngayong eleksiyon.

Kasama naman sa Duterte Legacy Program na dapat maipagpatuloy ay ang Build, Build, Build, free education, Universal Health Care (UHC), free irrigation, Barangay Development Program (BDP), at ang whole-of-nation approach para lipulin ang teroristang grupo sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter