FRIENDLY ang naging transition ng Duterte at Marcos administration ayon kay Senator Sherwin Gatchalian sa panayam ng SMNI News.
Nakita aniya ng sambayanang Pilipino ang diwa talaga ng demokrasya.
Ikinalugod din ni Senator Gatchalian na natumbok ni President Bongbong Marcos ang mga napapanahong hamon sa kanyang inaugural speech kahapon.
Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang pagsali ni PBBM sa kanyang speech sa mga issue tulad ng Ukraine-Russia war, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Napagtanto rin ni Gatchalian na sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ang bansa, nakikita ito lahat ni PBBM at Vice President Sara Duterte at handa itong tugunan ng dalawa.