Duterte Youth PL: Marcos Jr., walang utang na loob sa pamilya Duterte

Duterte Youth PL: Marcos Jr., walang utang na loob sa pamilya Duterte

HINDI mapigilang maglabas ng kanyang saloobin si Duterte Youth Party-list Chairman Ronald Cardema dahil sa panggigipit ng kasalukuyang administrasyon sa kanilang grupo.

Aniya walang utang na loob ang Pangulo kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Vice President Sara Duterte na buong pusong sumuporta sa kaniya noong kampanya.

“Kaya masabi ko una walang utang na loob ang Pang. Bongbong Marcos, hindi lang sa amin lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte na pinalibing ang kanyang ama na balik ang legacy ng kanilang pamilya at kay Vice President Sara Duterte na ikinampanya siya ng 2021 at 2022 para maging Presidente ng Pilipinas,” ani Ronald Cardema, Chairman, Duterte Youth Party-list.

Aniya, hanggang salita lang daw ang panawagan ng pagkakaisa ng Pangulo kung hindi nito kayang ibalik sa bansa si dating Pangulong Duterte na ngayon ay nahihirapan dahil sa mga patakarang ipinatutupad ng Malacañang.

“Pero masabi ko talagang alam nyo ninong natin si Bongbong Marcos. Kahit si Speaker ninong namin. Pero nung nakita namin ginawa kina Pangulong Duterte at Vice President Sara Duterte ang mga panggigipit nayan, ‘di kami nagdalawang isip talagang kinampihan namin si Pang. Duterte at si VP Sara Duterte,” dagdag ni Cardema.

Duterte Youth PL: Kongreso, panay iwas sa impeachment complaint vs. Marcos Jr.

Samantala, ibinunyag din ni Cardema ang aniya’y pag-iwas ng Kongreso sa pagtanggap ng impeachment complaint laban kay Marcos Jr.

“Ang sabi lang sa amin nung isangisang linggo. wala si Sec. Gen. di po marireceiveyan. Sabi ko, nakalagay sa rules ng house, it is the office of the Sec. Gen. who shall receive a verefied impeachment complaint”

“Sabi kodi naman sinabing si Sec. Gen. mismo, o boss mismo ng ahensya at ng opisina ang magreceive, ang sabi ang inyong opisina, giit ni Cardema.

Noong Mayo 8, nagsumite si Duterte Youth Chairman Ronald Cardema at dating Congresswoman Marie Cardema ng 24-pahinang impeachment complaint laban kay Marcos Jr. sa Kamara.

Pinunto nila na mali ang naging pag-aresto at pagsuko ni Pangulong Marcos Jr. kay dating Pangulong Duterte sa mga dayuhan noong Marso 11 para dalhin sa ICC.

Plano ng grupo na muling ihain ang reklamo sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso para siguraduhing hindi ito basta-bastang madi-dismiss.

Bukas din si Cardema sa pakikipagtulungan kay VP Sara Duterte sakaling tumulong ito para sa Articles of Impeachment laban kay Marcos jr.

“Makikinig po tayo kay ma’am kasi alam nyo, siya ang finafilelan lagi ng impeachment complaints sa Kongreso, syempre gamay na niya ang mga pwedeng articles ipang tapat naman laban sa ating Presidente,” giit nito.

Nauna nang sinabi ni VP Sara Duterte na dapat ma-impeach si Marcos Jr. dahil sa ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Para sa kaniya, malinaw na ito ay culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust, dahil pinayagan ng kasalukuyang administrasyon ang dayuhang panghihimasok sa soberanya ng ating bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble