Dwight Ramos, itinalagang sports ambassador ng Pilipinas Live

Dwight Ramos, itinalagang sports ambassador ng Pilipinas Live

ITINALAGA ngayon bilang official sports ambassador ng Pilipinas Live si Gilas Pilipinas top guard Dwight Ramos.

Bilang pahayag, kasunod ng pagiging ambassador nito ay sinabi ni Ramos na isang advantage ang sports app na Pilipinas Live upang magkaroon pa rin ito ng access at mapanood ang anumang uri ng Pinoy sports saan man siya magpunta.

Ang Pilipinas Live ay isang app na nanalo na rin ng Sports Broadcasting Award mula sa 2024 Asia Pacific Broadcasting Awards.

Inilunsad ang Pilipinas Live noong taong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble