EastMinCom mas paiigtingin ang kampanya laban sa CTGs

EastMinCom mas paiigtingin ang kampanya laban sa CTGs

MAS pinaigting pa ngayon ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang ginagawang whole of the nation approach upang tuluyan na mabura ang mga natitirang guerilla fronts sa Eastern Mindanao.

Ang naturang hakbang ay sa ilalim ng pamumuno ni LtGen. Greg T. Almerol sa pamamagitan ng Joint Operational Area.

Ito rin ang sagot ng EastMinCom sa hamon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na dapat buwagin na ang mga natitirang guerilla front sa bansa sa lalong madaling panahon.

Bago pa man ito ay puspusan na ang ginagawang operasyon ng EastMinCom laban sa Communist Terrorist Groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF na nagresulta sa sunud-sunod na engkuwentro laban sa grupo at marami rin ang mga sumukong rebelde sa pagpasok pa lang ng taon.

Base sa tala ng EastMinCom mula Enero hanggang sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 70 CPP-NPA ang na-neutralized ng tropa.

Binubuo ng 62 sumuko, apat ang nahuli at walo ang nasawi habang narekober naman ng militar ang 71 mga armas kung saan 58 ang high-powered at 13 low-powered firearms at walo naman ang nakuhang anti-personnel mines; at isa ang nakubkob sa hideout.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter