TUMAAS ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2022.
Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang produkto at serbisyong ginagawa sa isang bansa sa loob ng itinakdang panahon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 7.6 percent na GDP sa ikatlong quarter ng 2022.
Ito ay mas mataas mula sa naitala na 7.0 percent sa parehong quarter noong 2021.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General ng PSA, sa naitalang pagtaas ng GDP, ang services sector ang nagtala ng pinakamataas na kontribusyon na 5.8 percent points.
Ito ay sinundan ng industry sector na nakapagtala ng 1.6 percent points habang ang agriculture, forestry, at fishing s-ector ay nakapag-ambag naman ng 0.2 percent points sa kabuuang pagtaas ng GDP.
Tiniyak naman ng National Economic Development Authority (NEDA) na on-track ang gobyerno na maabot ang target na 6.5 percent hanggang 7.5 percent growth rate para sa taong 2022.