Eksperto: Lahat ng bakuna kontra COVID-19 nananatiling ligtas

Eksperto: Lahat ng bakuna kontra COVID-19 nananatiling ligtas

NANANATILING ligtas ang lahat ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ayon ito kay Dr. Nina Gloriani, miyembro ng Philippine FDA Scientific Advisory Committee.

Sa kabila aniya ito sa sinasabi ng United States Food and Drug Administration na nagkakaroon ng rare heart conditions ang sinumang naturukan ng bakuna.

Ang mga Pilipino na naturukan halimbawa ng mga bakuna mula Pfizer at Moderna ay hindi nanganganib na magkaroon ng myocarditis at pericarditis kahit ilang taon na ang lilipas.

Ang myocarditis ay pamamaga ng gitnang bahagi ng kalamnan ng puso habang ang pericarditis ay pamamaga ng panlabas na bahagi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble