Election money mula sa mga ilegal na POGO, pinaiimbestigahan—DILG

Election money mula sa mga ilegal na POGO, pinaiimbestigahan—DILG

ELEKSIYON na naman sa susunod na taon.

Hindi na rin bago sa lahat ang usapin ng vote buying o paggamit ng election money para makakuha ng boto ang mga politiko.

At ngayong mainit ang usapin sa POGO dahil sa posibilidad na nagagamit ito sa iba’t ibang ilegal na gawain – ay hindi rin umano malayong magamit ito sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ang pondo nga umano na nanggagaling sa ilegal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) – puwedeng ipambili ng boto sa halalan kung gugustuhin.

Ito ang tinuran ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, kasunod ng pagsabing may posibilidad na magamit ang illegal POGO money para pondohan ang kampanya ng mga “narco-politician.”

“Well actually there could always be that possibility of illegal means, illegal POGO, illegal jueteng or illegal e-sabong at ang masaklap even illegal drugs, narco politics. All of these things could possibly affect an election, it could kaya nga dapat ito ay pag-igtingan sa lahat ng bagay and that is why we are here, the PNP,” pahayag ni Sec. Benhur Abalos, DILG.

Sabi ng DILG, nakakadismaya ang ganitong kalakaran dahil ginagamit ng mga politiko ang mga sindikato para lang manalo at makasungkit ng puwesto sa gobyerno.

“Kung titingnan mo ang ginagawa nito hindi lamang against illegal POGO, against drugs, against e-sabong, against jueteng, all of these things kasi whether we like it or not sa totoo lang, kung minsan itong mga perang illegal na ito ay ginagamit to prop up candidates at ‘yun ang masaklap dito,” ani Abalos.

Matatandaang pinaigting din ng pambansang pulisya ang kampanya nito kontra ilegal na operasyon ng POGO kasabay ng babala sa mga pulis na mapatutunayang protektor nito.

Ngayon ngang suspendido na si Bamban Mayor Alice Guo, lahat ng mga posibleng ilegal na transaksiyon nito ay sinisilip na rin ng mga awtoridad.

Ang posibleng koneksiyon nito sa mga ilegal na aktibidad ng POGO sa Tarlac at scam farm sa Porac Pampanga ay tinitingnan na rin.

Isa sa mga persons of interest ng scam farm sa Porac, Pampanga naharang sa Davao—PAOCC

Sa kabilang banda, kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na naharang sa Davao International Airport ang isa sa mga persons of interest sa ilegal na POGO o scam farm sa Porac, Pampanga.

Sa panayam sa opisyal, sinabi ni PAOCC Spokesperson Dr. Winston John Casio na nagtangkang lumabas ng Pilipinas ang naturang Chinese national na kinilalang si Zhang Jie na isa umano sa mga manager ng Lucky South 99.

“Hindi naman natin maikukubli na marami ang nakatakas po dito sa Porac ops sapagkat ito nga po ay nag-leak. So, isa sa mga pangalan na ibinigay namin doon sa immigration na person of interest ay nag-attempt na umalis ng Pilipinas, kahapon naharang sa Davao Int’l Airport, hindi ko lang matanong sa immig kung saan ‘yung kanyang destinasyon. She was identified as the person then ipinakita namin ‘yung kanyang pangalan doon sa ating mga witnesses at positive nga po na na-identify na siya nga po ‘yung taong persons of interest natin.”

“Kapag nag-attempt silang lumabas ng Pilipinas, ipagbibigay alam po sa Immigration Commissioner, at saka ipagbibigay-alam sa PAOCC then titingnan kung may sapat kaming legal ground para ma-offload sila and then kung mayroon deretso po sila sa Bicutan,” pahayag ni Dr. Winston John Casio, PAOCC Spokesperson.

Sa kabila ng tangkang pagtakas ng isa sa mga persons of interest, wala pang immigration bulletin lookout ang pamahalaan sa iba pang tulad nito na may kinalaman din sa mga illegal POGO.

Nakikipag-ugnayan naman na ang PAOCC sa Bureau of Immigration para matiyak na hindi sila makakalabas ng bansa.

“So kasama na diyan ang pamilya Guo, so ‘yung ilang mga persons associates ng pamilya Guo, so anong kasiguraduhan naka-alert na po sila. So, ibig sabihin bagamat wala pang Immig Lookout Bulletin Order, kapag nag-attempt sila na lumabas ng Pilipinas, ipagbibigay alam po ‘yun sa Immigration Commissioner, sa PAOCC, titingnan kung may sapat na legal ground para ma-hold sila,” pahayag ni Dr. Winston John Casio, Spokesperson, PAOCC.

Batay sa impormasyon ng PNP sa pakikipagtulungan sa PAOCC, marami na silang naipasarang POGO sa pamamagitan ng coordinated efforts ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PNP-Anti Cybercrime Group (ACG).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble