Election packets, inaantay ng mga Pinoy sa Winnipeg para sa mail-in voting

Election packets, inaantay ng mga Pinoy sa Winnipeg para sa mail-in voting

INAANTAY na ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Winnipeg ang election packets para sa mail-in voting system para makapagsimula sa pagboto roon.

Ayon kay Froilan Ofiaza na isang OFW, hinihintay na lang nito ang balota na dumating sa kanyang bagong address.

‘’ So-far yong ah, balota ko hindi pa dumadating, nag-change of address ako, ni reach out ko naman sila through email, be responsive naman sila sa problema ko at iniantay ko na,lang yong balota ko na dumating sa address ko,” aniya. 

Sa kabila ng kaunting delay, wala namang ibang naiulat na aberya sa pagpapadala ng election packets ng mga ito.

‘’So-far wala naman ah, delay lang yong ibang mga balota pero ongoing nayun ah, so-far smooth naman,’’ saad nito.

‘’Oh sa mga balota na kuwan wala po kaming narinig na nagkaroon ng ah diperensiya o problema. I think is all when all good at ah, maganda naman ang resulta, pero ang makakapag report doon ang Philippine Consulate Toronto po,’’ ayon kay Marian Angel V. Gayot, Presidente ng Manitoba Association.

Samantala, ang Philippine Consulate sa Toronto ang in-charge sa pagpapadala ng mga balota sa mga Pilipinong botante rito.

‘’Ay yong sa pagbubukas ng boto ang in charge ay sa Philippine Consulate Toronto so wala naman kaming, nabalitaang na hindi maayos pero maayos po lahat na coordinate ng Philippine Consulate Toronto salamat po sa kanila,’’ paliwanag nito.

Sa huli, nagpasalamat ang mga OFW sa SMNI News para sa paghahatid ng makatotohanang balita.

‘’Ang SMNI of course hindi katulad ng mga mainstream media sila ay pawang sa katotohanan lamang the truth that matters yun lang po ah ang masasabi ko,’’ ayon kay Froilan Ofiaza.

‘’Ay ang SMNI saludo po kaming lahat dyan kasi yan ang ah, number one na nagbibigay sa amin ng totoong balita at ang mga lahat ng reporters doon nako napakabuti nila at very righteous lahat sila ah, saludo po ako kay Pastor Apollo Quiboloy at si Mike Abe ang ah, Usaping Bayan pinapanuod ko kasama niya si Jade at saludo kaming lahat sa SMNI, salamat po maraming salamat po,’’ ayon kay Gayot.

Sa kasalukuyan ay hindi pa pinahihintulutan ang in-person voting sa Winnipeg.

Follow SMNI NEWS in Twitter