BUO na ang pasya ng mga botante sa Metro Manila sa kung sino ang kanilang susuportahan sa pagka-presidente at bise-presidente ngayong 2022 elections.
Batay ito sa pahayag ng NCR tracker survey ng Publicus Asia nitong Abril 8-13 mula sa 1, 625 respondents sa Metro Manila.
Batay sa survey, nangunguna pa rin ang UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
51.6% ang vote score na nakuha ni BBM sa survey kumpara sa 24.3% ni VP Leni Robredo.
Ngunit kung pagbabatayan ang vote firmness ng mga botante, medyo tabla ang dalawa sa 71%.
Ibig sabihin nito, kahit anong mangyari ay hindi na magbabago ang isip ng bawat taga-suporta.
Ang ibang presidentiables naman, mas mababa sa 10% ang survey score.
Kung by economic class naman ang pagbabatayan, number 1 pa rin si BBM na may mataas na base voters sa Class E.
Sa VP survey, 51% ang nakuha ni Mayor Sara habang 78% sa mga supporter nito ang pinal na ang boto.
Malayong-malayo ang resulta ng survey sa runningmate ni VP Leni na si Sen. Kiko Pangilinan sa 15.4%.
Habang 11.6% at 11.4% ang nakuha nina Senate President Tito Sotto III at Doc Willie Ong.