Elton John, isinugod sa ospital matapos madulas sa kaniyang French Villa

Elton John, isinugod sa ospital matapos madulas sa kaniyang French Villa

NAGPALIPAS ng isang gabi ang singer na si Elton John sa ospital matapos itong madulas sa kaniyang French Villa.

Ang 76-anyos na singer ay agad na dinala sa Orthopedic Department ng Princess Grace Hospital Center sa Monaco para gamutin sa natamong minor injuries.

Si Elton ay nasa France ngayon kasama ang kaniyang asawa na si David Furnish at ang kanilang dalawang anak matapos ang kaniyang Farewell Yellow Brick Road Tour noong Hulyo.

Nagsimula si Elton sa music industry noong 1969 at naging pinakamamahal na musician ng United Kingdom at ng buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble