Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, nagsasagawa ng outreach mission sa Kota Kinabalu

Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, nagsasagawa ng outreach mission sa Kota Kinabalu

NAGSASAGAWA ang Embahada ng Pilipinas sa Malaysia ng consular outreach mission sa Kota Kinabalu, Sabah na inaasahang magtatapos hanggang Marso 10.

Nauna nang inanunsiyo ng embahada ang pagsasagawa ng outreach mission sa Kota Kinabalu.

Alinsunod sa patakaran ng mga awtoridad sa Sabah, ang konsulado ay nagpatupad ng appointment system sa pamamagitan ng whatsapp, Facebook messenger, gayundin ang pag-email sa kanilang tanggapan.

Muling nilinaw ng embahada na ang appointment system na ito ay libre at hindi na kinakailangang dumaan sa mga ahente para makakuha ng appointment.

Ang mga aplikante ay pinapayuhang pumunta sa petsa at oras ng kanilang appointment.

Samantala, ang mga susunod na schedule ng consular outreach mission ay ihahayag ng embahada sa takdang panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter